STRIKE Gymnasium, Nobyembre 12, 2025 – Ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ang tulong na “Kalinga sa Matanda” sa mga senior citizen sa Barangay Salinas 1 at 2 ngayong araw. Ang programa ay isinagawa sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development (CSWD), sa pangunguna ni Ms. Emiliana Ugalde.
Kasamang dumalo ni Mayor Strike B. Revilla sina BM Alde Pagulayan, Councilors Mike Bautista, Noly Galvez, at Karen Evaristo, Barangay Captains Nicanor Espiritu (Salinas 1) at Mark Torno (Salinas 2), at Ms. Nenita Reyes (OSCA Head). Nakibahagi rin ang mga staff ng CSWD at ang Bozrak Band.
Umabot sa 1,387 senior citizen mula sa Salinas 1 at 1,193 mula sa Salinas 2 ang nakatanggap ng tulong na “Kalinga sa Matanda”. Sa nasabing aktibidad, tinalakay ni Mayor Strike ang ilang mga inisyatibo na makakatulong sa mga senior citizen, kabilang ang Enhanced SBR Card, libreng sine, ang pagbababa ng BNS, OCHS, at Family Coordinators sa mga barangay para sa pagpaparehistro sa YAKAP provider (na nag-aalok ng 20k na subsidy para sa gamot mula sa PhilHealth), Home for the Aged, at pagpaparehistro ng mga Kasambahay.
Maraming salamat po.