STRIKE Gymnasium, Nobyembre 18, 2025 – Muling naghatid ng tulong at kalinga ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa 2,100 senior citizen sa Barangay Molino 4 sa pamamagitan ng programang “Kalinga sa Matatanda.” Ang pamamahagi ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Emiliana Ugalde, at sa direktang gabay ni Mayor Strike B. Revilla.
Nakiisa sa nasabing aktibidad sina Konsehala Karen Sarino Evaristo, Kapitan Jeffrey P. Campaña kasama ang mga opisyal ng Barangay Molino 4, at si Ms. Nenita Reyes, ang OSCA Head. Aktibo ring nakilahok ang mga kawani ng CSWD upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong.
Malugod na pinasalamatan ng mga senior citizen ang Pamahalaang Lungsod sa patuloy na suporta at pagmamalasakit. Bukod pa rito, nagpaabot din ng video message sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Cong. Lani Mercado Revilla, at Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, na nagbigay-diin sa kanilang dedikasyon sa kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod. Layunin ng “Kalinga sa Matatanda” na patuloy na magbigay ng kalinga at suporta sa mga senior citizen ng Bacoor.
Maraming salamat po.