Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa bloodletting activity na “Dugong Alay, Pandugtong Buhay” ngayong Abril 17, 2026 (8AMV-3PM) sa Strike Gym, Bacoor City Hall.
Bahagi ang proyektong ito sa pagdiriwang ng kaarawan ng inyong lingkod. Sa simpleng pagdo-donate ng dugo, maaari tayong maging instrumento ng pag-asa para sa mga nangangailangan—mga pasyenteng sumasailalim sa operasyon, may karamdaman, o nasa emergency.
-?
✅ 18 hanggang 60 taong gulang
✅ Walang ubo, lagnat, at sore throat
✅ May timbang na 50 kgs o 110 lbs pataas
✅ Isang taon na ang nakalipas mula nang magkaroon ng tattoo o piercing sa katawan
✅ Kasalukuyang walang buwanang dalaw o menstruation
✅ May at least 6 na oras na tulog at pahinga, at nakakain nang wasto
TANDAAN: Magkakaroon pa po ng karagdagang screening sa ating venue bago kayo makapag-donate ng dugo.
– – ?
❌ Paninigarilyo
❌ Pag-inom ng alak
❌ Pag-inom ng antibiotic sa loob ng 7 araw
Hindi rin po maaaring mag-donate ng dugo kung kayo po ay may Hepatitis B o C, HIV infection, o sakit sa puso o baga.
Halina at makibahagi. Sama-sama nating dugtungan ang buhay ng ating kapwa.
#LaniMercadoRevilla