Mainit ang naging pagtanggap ng Bacoor sa 39 na kabataang lumahok sa City of Bacoor Koop Quiz 2025 noong Oktubre 2, 2025 sa Revilla Hall, Bacoor Government Center. Bahagi ito ng pagdiriwang ng 354th Bacoor Festival, sa pangunguna ni Mayor Strike Revilla at sa pakikipagtulungan ng Office for the Development of Cooperatives sa pamumuno ni Ms. Vicky M. Lazaro.
Layunin ng patimpalak na ito na ipakilala sa kabataan ang kahalagahan ng kooperatiba—hindi lamang bilang konsepto, kundi bilang isang konkretong hakbang tungo sa sama-samang pag-unlad.
Dumalo rin upang magbigay suporta sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Councilor Miguel Bautista, at Councilor Robert Advincula, Chairman ng Committee on Cooperative Development.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod sa mga paaralan at guro—public at private—na buong puso ang naging gabay sa ating mga kalahok. Ang inyong dedikasyon ay tunay na mahalaga sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga lider ng kooperatiba.
Mga Paaralang Lumahok:
St. Thomas More Academy
Cavite School of St. Mark
Queensrow Integrated Science School
Diamond Academy
Bacoor National High School – Main
Bacoor NHS – Gawaran Annex
Victorious Christian Montessori
The Bearer of Light and Wisdom Colleges Inc.
University of Perpetual Help System – Dalta
Herman Harrel Horne School
Mariano Gomes National High School
Bacoor NHS – Georgetown
City of Bacoor NHS – Springville
City of Bacoor NHS – San Nicolas
City of Bacoor NHS – Villa Maria Annex
Bristle Oak Academy, Inc.
Macasa Learning Center Inc.
St. Dominic College of Asia
Bacoor Unida Evangelical
Responsible Village Leaders Learning
Pasasalamat din sa ating mga hurado na sina Ms. Danica Dela Roca, Ms. Dianne April Matel, at Atty. Alex Nicole Salvador—mga propesyonal na walang sawang sumuporta sa adhikain ng programang ito.
At siyempre, hindi natin palalampasin ang pagkakataong kilalanin ang mga nagningning sa patimpalak:
Champion: Maverick Jarvier Anoñuevo – St. Thomas More Academy
1st Runner-up: Erich Michael Mañebo – Cavite School of Saint Mark
2nd Runner-up: Zian Jayce Baldueza – Queensrow Integrated Science School
Ang inyong husay ay patunay na ang kabataang Bacooreño ay handang-handa na para sa mas malawak na mundo ng kaalaman at kooperasyon. Ipagpatuloy ang inyong pag-aaral, at ang diwa ng pagkakaisa—Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito.


