Habang lumalapit ang pagdiriwang ng pasko, mas ipinadarama ni Mayor Strike B. Revilla ang pagmamahal sa mga nakatatandang mamamayan ng Bacoor sa patuloy na pagdaraos ng Kalinga sa Matanda. Ito’y ginanap ngayong araw sa Barangay Dulong Bayan, Habay 2, Salinas 3 at Mambog 5 na nagbigay-ngiti sa mga bawat senior citizens. Katuwang ang ang City Social Welfare and Development Office, City Officials, at ang mga Barangay Officials, ito’y isinasagawa rin bilang respeto at pagkilala sa kontribusyon ng mga nakatatandang Bacooreño sa kaunlaran ng ating lungsod.