October 8, 2026 | Main Lobby, Bacoor City Hall – Hindi lahat ng pasasalamat kailangang maging engrande. Minsan, sapat nang tipunin ang mga taong tahimik ngunit patuloy na tumutulong upang magkaroon ng trabaho at kabuhayan ang ating mga kababayan.

Ito ang layunin ng STRIKE PESO Meet and Greet with Stakeholders 2026 — isang simpleng pagkilala sa ating mga PESO Bacoor -accredited companies sa pamumuno ni Dr. Abraham Domingo de Castro at MSMEs, kasama ang LEDIPO ni Ms Khei Sanchez, na katuwang natin sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Bacooreno.

Labimpitong (17) kumpanya ang binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang patuloy na pagbibigay ng pagkakataong makapagtrabaho ang ating mga kababayan. Pinarangalan din sina Ms. Eva Luzada ng Molino 3 at Kapitan Jun Advincula sa kanilang suporta sa Kasambahay Registry Program, gayundin sina Madam Guia Javier Oller ng BHOACI at Madam Rizalie Pinpin-Enero ng Cavite Provincial PESO sa kanilang mahalagang ambag sa pagsusulong ng mga programa ng PESO Bacoor. Nagbigay inspirasyon din ang ating butihing Vioce Mayor Rowena Bautista Mendiola sa pamamagitan ng isang mensahen ng suporta sa PESO Bacoor at sa mga negosyanteng nakakatulong magbigay hanap buhay sa ating mga kababayan.

Sa pangunguna at suporta nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Congresswoman Lani Mercado Revilla, mas napapalakas natin ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor.

Sa huli, hindi lamang bilang ng mga kumpanyang katuwang natin o dami ng trabahong naibubukas ang mahalaga. Mas mahalaga ang mga pamilyang natutulungan, mga pangarap na nabibigyan ng pagkakataon, at mga buhay na unti-unting nagbabago dahil may nagbukas ng pinto para sa kanila.

Maraming salamat sa ating mga partners. Sa Bacoor, sama-sama tayong lumilikha ng oportunidad. Dahil ang PESO ay hindi lamang tungkol sa trabaho. Ito ay tungkol sa buhay at kinabukasan.