458 casuals, coterminous at newly hired employees ng City Government of Bacoor ang dumalo sa unang HR Orientation ng Bacoor sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Strike B. Revilla.
Sa mensahe ng butihing mayor isinaad niya na mas i-angat pa ang de-kalidad na serbisyo ng bawat isa para sa mga Bacoorenyo. Pinaalala din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng social media accounts at focal persons ng mga ahensiya, para sa agarang pagbigay solusyon sa mga alalahanin ng mga ng mga Bacoorenyos.
Ipinangako ni Mayor Strike ang kanyang FULL SUPPORT sa lahat ng mga pangangailangan ng mga empleyado, basta’t de kalidad na Strike sa Serbisyo ang kanilang ipaparamdam sa bawat Bacoorenyo.
Naging malinaw din ang pagpapaliwanag ni HR Department Head Natividad L. Ople ng mga patakaran at benefits sa trabaho ng mga casual, co-term at newly appointed na empleyado ng LGU.