Muling naiuwi ng Kabataang Bacooreño ang karangalan sa Gawad Pawid Awards 2026 ng Provincial Government of Cavite, matapos kilalanin ang kanilang mga natatanging programa, makabuluhang inisyatiba, at patuloy na pakikilahok sa pagsusulong ng youth development sa lalawigan.
✨ LOCAL YOUTH DEVELOPMENT OFFICE (LYDO)
Ang Local Youth Development Office (LYDO), sa pangunguna ni Ms. Angie Cariaso, ay kinilala bilang isa sa Outstanding Local Youth Development Office sa Lalawigan ng Cavite.
✨ SANGGUNIANG KABATAAN OF BARANGAY P.F. ESPIRITU 1
Kinilala rin ang Sangguniang Kabataan ng Barangay P.F. Espiritu 1 bilang Top 1 – Best Innovative Program on Economic Empowerment para sa kanilang programang “Pangkabuhayan Booths: SK Livelihood Support Program,” at naging Finalist – Outstanding SK Council.
✨ MGA KINATAWAN NG BACOOR CITY YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL (BCYDC)
Tatlo rin sa mga miyembro at kinatawan ng Bacoor City Youth Development Council (BCYDC) ang tumanggap ng pagkilala:
YES-O – Eastern Bacoor National High School
Top 1 – Best Innovative Program on Environment
PROPEL: Pilot Program in Waste Circularity and Waste Management
AVES Civil Society Organization, Inc.
Finalist – Best Innovative Program on Health, Education, and Social Inclusion and Equity
TATAK NO: Kabataan Para sa Warning Labels
Ms. Lurleen Cortez
Provincial Youth Development Council Member
Ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa husay, dedikasyon, pagiging malikhain, at aktibong pakikilahok ng Kabataang Bacooreño sa mga programang naglalayong makapaghatid ng positibong pagbabago sa kanilang mga paaralan, barangay, komunidad, at sa buong lungsod.
Tunay na nakaka-proud ang mga tagumpay na naiuwi ng Kabataang Bacooreño! Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang palakasin ang youth empowerment and development at patuloy na bigyang-daan ang kabataan bilang mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang mas maunlad, inklusibo, at makabuluhang kinabukasan para sa Lungsod ng Bacoor.
Mabuhay ang Kabataang Bacooreño!


