Ang inyo pong lingkod kasama ang ating napakasipag na kasamahan sa konseho na si City Councilor Rey Palabrica IV, na Chairman on Committee on Health ay malugod at nagagalak namin tinanggap ang karangalan ng pagkilala para sa ating lungsod ng Bacoor.
Ito ay isa lamang sa mga patunay na talagang, isa sa mga pangunahing tinututukan ng ating pamahalaan ay ang kalusugan ng bawat Bacooreño katuwang ang City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ivy Marie Yrastorza at mga kawani.
Makaka-asa po kayo na patuloy lamang po kame na magseserbisyo sa pangunguna ng ating 24/7 City Mayor Strike B. Revilla kasama ang buong Sangguniang Panlungsod Bacoor upang mas lalo pa mapabuti ang kalusugan at antas ng pamumuhay ng bawat Bacooreño.
Muli Congratulations sa ating lahat.