Matagumpay na pinangunahan ng City Engineering Office (CEO) ng Lungsod ng Bacoor ang Flag Raising Ceremony na ginanap noong Mayo 11, 2026 sa S.T.R.I.K.E. Gymnasium. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng iba’t ibang tanggapan, at mga empleyado ng lokal na pamahalaan bilang pagpapakita ng pagkakaisa at dedikasyon sa serbisyo publiko. 💙
Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng mga panunumpa, makabayang awitin, at presentasyon ng mga natatanging proyekto at tagumpay ng City Engineering Office para sa patuloy na pag-unlad ng Bacoor. 🏗️✨
Nagbigay rin ng mensahe sina Konsehal Levy Tela, Engr. Adonis B. Angeles ng DPWH Cavite 3rd District, at Acting Mayor Rowena Bautista Mendiola, na nagpahayag ng suporta at pagkilala sa mahalagang papel ng City Engineering Office sa pagsulong ng imprastraktura at dekalidad na serbisyo para sa mga Bacooreño.
Patuloy ang Lungsod ng Bacoor, sa pamumuno ni Strike B. Revilla, sa paghahatid ng maayos, mabilis, at mahusay na serbisyo para sa bawat mamamayan.
📣 Stay connected with the City of Bacoor!
Please like, follow, and subscribe to our official social media accounts for updates, announce and programs:
🔵 Facebook: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
🎵 TikTok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
📸 Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
▶️ YouTube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
📺 BACOORTVCHANNEL
• Facebook Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61553693151540
• YouTube Channel: https://youtube.com/@striketvchannel?si=eY1ihGqrATCLvhxd
Maraming salamat po sa patuloy na suporta! 💙
#CityGovtOfBacoor
#SaBacoorAtHomeKaDito
#ARTA
#BagongPilipinas
#ARTA_TowardsAMoreProductiveBagongPilipinas
#ARTA_TMPBP


