Hindi na kailangang lumayo pa ang ating mga kababayang nangangailangan ng gamot sapagkat mag-iikot ang Botika on Wheels sa mga susunod na araw. Dala nito ang mga pangunahing medikasyong libreng ipinamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite at Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.