Lungsod ng Bacoor, Nobyembre 9, 2025 – Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa ilalim ni Mayor Strike B. Revilla, isinagawa ang isang news update para sa “Bantay Bagyo” kaugnay ng Super Typhoon “Uwan.”
Dumalo sa aktibidad na ito sina Mayor Strike B. Revilla, Coun. Karen Sarino Evaristo, Coun. Udoy Brillantes, Coun. Noly Galvez, mga Department Head, PLtCol Alexie Desamito (Bacoor PNP),
FSInsp Precious V. Petalio -Acting City Fire Marshall,.mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard, at BDRRMO Personnel sa pangunguna ni Mr. Richard Quion.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Strike ang lahat na bawal maligo sa baha ang mga bata. Ito ay isang mahalagang paalala upang maiwasan ang sakit at aksidente. Ipinakita rin ni Mayor Strike ang live video feed mula sa ating mga CCTV camera at maging sa CCTV camera ng mga barangay, na nagpapakita ng real-time na sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Strike sa mga malls na nagpahiram ng libreng parking para sa mga naapektuhan ng bagyo (SOMO, NOMO, SM Bacoor, SM Molino, at Main Square Mall), Philippine Coast Guard, lahat ng mga volunteers, mga city employees, mga national agencies, at mga barangay officials. Binigyang-diin din na ang Command Center ng lungsod ay mayroon nang AI System para sa mas epektibong pagmomonitor. Ang aktibidad na ito ay ginanap sa BDRRMO Command Center. Manatiling nakatutok para sa mga susunod na update.