Ang mga youth and youth-serving organizations, kasama ang multilateral fraternities and gangs sa Lungsod ng Bacoor ay nagsama-sama sa isang pagpupulong na pinangunahan ng Local Youth Development Office upang paghandaan ang nalalapit na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2026 sa August.
Dumalo din sa pagpupulong si Mr. Ezer Carillo ng BDRRMO upang ibahagi ang mga hinandang activities ng kanilang tanggapan para sa mga Batang Bacooreño bilang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026.
Ipinarating ni Mayor Strike B. Revilla ang kaniyang pagbati at patuloy na suporta upang palakasin pa ang youth empowerment and development sa Lungsod ng Bacoor.
#BatangBacooreño
#SaBacoorAtHomeKaDito