Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang regional payout ng DSWD Cash Relief Assistance para sa ating mga tricycle drivers dito sa Bacoor Government Center Gymnasium.
Ngayong araw, Abril 8, 2026 (Miyerkules), mula 7 AM hanggang 2 PM, nasa 1,900 beneficiaries ang makakatanggap ng ayuda para sa unang batch.
Para sa mga susunod na batch, makipag‑ugnayan sa inyong TODA President upang malaman ang schedule ng bigayan at iba pang detalye.
Sama‑sama nating tiyakin na ang tulong ay makarating sa ating mga drayber na patuloy na nagsisilbi sa komunidad.
#DSWDCashAidForPUVDrivers #CityGovtOfBacoor #SaBacoorAtHomeKaDito


