Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang coordination meeting kasama ang DA group para sa muling paglulunsad ng P20 Rice Program sa Bacoor. Pinangungunahan ito ng ating P20 Rice Head Focal, Mr. Richard T. Quion (BDRRMO), at tatalakayin ang mga operational at logistical framework para sa maayos na implementasyon ng programa.
Abangan ang mga susunod na anunsyo mula sa City Government of Bacoor kung saan at kailan makakabili ng Benteng Bigas.