Kaninang umaga ay personal na pinuntahan ng 24/7 mayor ang isinagawang Strike sa Serbisyo Clearing and Dredging Operation in Riverways and Coastal Zone sa Bgy. Salinas 3 na matagumpay na naisagawa sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO). Ang proyektong pang kalinisan na ito ni Mayor Strike B. Revilla ay gagawin sa lahat ng Riverways at Coastal Zones sa Lungsod ng Bacoor.
Paalala ni Mayor Strike B. Revilla sa lahat ng mga Bacoorenyo, na panatiliing malinis ang kapaligiran ng lungsod para patuloy na Bacoor At Home Ka dito.