STRIKE Gymnasium, Nobyembre 4, 2025 – Ang Opisina ng Agimat Partylist, sa pangunguna ni Cong. Bryan Revilla, ay nagpamahagi ng tulong AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita Program) ngayong araw sa STRIKE Gymnasium sa mga residenteng apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Dumalo sa kaganapan sina Cong. Bryan Revilla, Pastor Walter G. Faustino, at Mr. Trespico Ner Apo, ang Agimat Riders National President. Present din para personal na magpaabot ng kanyang suporta si Congresswoman Lani Mercado Revilla para sa mga benepisyaryo.
Umabot sa 2,500 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor at mga Agimat Riders ang nakatanggap ng tulong AKAP. Layunin ng programang ito na magbigay ng kinakailangang suporta sa mga nahihirapan sa tumataas na halaga ng pamumuhay. Lubos na nagpapasalamat ang ating mga kababayan sa Agimat Partylist sa kanilang malasakit at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa panahong ito. Ang programang ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng gobyerno na tulungan ang mga mamamayan nito sa panahon ng pagsubok.
Maraming salamat po.