Tinatayang nasa halos 500 katao na ang dumalaw dito ngayong araw. Karamihan ay come and go lamang kaya’t nananatiling maayos ang daloy ng mga tao.
Traffic situation ay light to moderate at patuloy na nakaantabay ang mga kawani mula sa Office of the City Health Services, PNP, Sigma Force multipliers, BTMD, AFP, BFP, BDRRMO, BPSU, City Cemetery Team, at Barangay Molino 2 upang masiguro ang kaayusan.
Incident Report: Isang lalaki ang nahulog mula sa ikatlong palapag ng nitso. Ayon sa kanya, may nakisuyo umano na akyatin niya ito upang makapagsindi ng kandila. Nabatid din na nakainom na siya bago pa dumating sa lugar. Agad siyang nabigyan ng first aid at kasalukuyang dinadala ng BDRRMO sa PGH para sa karagdagang gamutan.


