Barangay Molino 2, Agosto 27, 2025 – Ipinagmalaki ng Bacoor City Jail (BJMP) ang kanilang Seremonya ng Pagtatapos at Pag-angat na ginanap sa Male-Dormitory Covered Court, bilang pagpupugay sa 37 Persons Deprived of Liberty (PDL) na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS). Ang tema ng kaganapan ay “Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas.”
Ang seremonya ay pinangunahan ni City Jail Warden ng Male Dormitory, JSUPT Christopher R. Penilla, MM, EMDRCM, CESE. Kabilang sa mga kilalang dumalo sina Mayor Strike B. Revilla, JSINSP Sally C. Buguis (City Jail Female Dormitory Warden), Mr. Cezar Mojiaca (Chief Education Supervisor, School Governance and Operations Divisions, na kumakatawan kay Dr. Babylyn M. Pambid, CESO VI), at Dr. Leonora M. Medina (ALS Focal Person).
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang paniniwala sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga PDL. Ipinahayag niya ang kanyang kumpiyansa sa kanilang kakayahang magbagong-buhay, at pinuri ang pamunuan ng Bacoor BJMP para sa kanilang epektibong pamamahala. Kinilala rin niya ang Bacoor City Jail bilang isang nangungunang institusyon sa Cavite, at inalala ang mga dating masikip na ngayon ay may maayos na silang pasilidad dahil sa dedikasyon ng ating Bacoor LGU.
Tampok sa programa ang pagpasok ng mga nagsipagtapos, mga talumpati, pagpapatibay ng mga nagtapos, paggawad ng mga sertipiko at token sa mga panauhin at ALS Mobile Teachers, mga mensahe mula sa mga nagtapos, mga intermission number, ang BJMP Hymn, at photo opportunity.
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.


