Isinagawa ang pagpupulong para sa 24/7 Patrol Bayanihan, na pormal nang ipatutupad simula bukas, November 3, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa buong Lungsod ng Bacoor.
Pinangunahan ni Konsehal Randy Francisco, ABC Vice President, kasama sina Konsehal Noly Galvez, PLtCol Alexis Desamito, Bacoor OIC PNP Chief, Mr. Lawrence San Jose, Head ng BPLD/POPS Focal Person, at ang 47 Barangay Captains ng Bacoor ang nasabing pagpupulong.
Layunin ng 24/7 Patrol Bayanihan na higit pang paigtingin ang koordinasyon ng mga barangay at mga law enforcement agencies upang mas mabilis na matugunan ang mga insidente, mapalakas ang police visibility, at mapigilan ang anumang banta sa seguridad sa bawat barangay.
Ang pagpupulong ay isinagawa sa direktiba ni Mayor Strike Revilla, bilang bahagi ng kanyang patuloy na kampanya laban sa krimen at pagsusulong ng mas ligtas, maayos at mapayapang Bacoor.
Bayanihan para sa Kaligtasan. Sama-sama para sa isang Ligtas na Bacoor!