Sabi ni Mayor Lani Mercado Revilla, “Ito ang isang programang pinakahihintay ng marami sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga transaksyon online, magiging madali, mabilis, at ligtas ang pagkuha ng permits at pagbayad ng buwis para sa ating mga kababayan. Bukod pa diyan, mapapaigting pa natin ang pagpapasatupad ng social distancing protocol sa City Hall.”
Sa ilalim ng BOSS, maari nang magsagawa ng Online Application para sa business permits at building permits. Mayroon na ding Online Appointment para sa real property tax, business permits, at building permits.
Inaayos na rin ang pagpapasatupad ng Online Payment sa pamamagitan ng Landbank. Antabayanan ang announcement ukol dito.
Panauhing pandangal natin kanina ang Executive Director ng Bureau of Local Government Finance ng Department of Finance na si Niño Alvina sa flag raising ceremony na pinangunahan ng City Treasurers Office.
#LoveMyBacoor