Muling tumanggap ng dalawang prestihiyosong national awards ang Lungsod ng Bacoor mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR). Ito ay iginawad sa katatapos lamang na “Gawad Parangal sa mga Kabalikat ng Pangisdaan at Yamang-Tubig” na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City.
Ang prestihiyosong seremonya ay idinaos kasabay ng pagdiriwang ng 63rd Fish Conservation Week na may temang: “Lusay, Korales, at Bakawan: Yaman ng Karagatan, Masaganang Buhay ng Pamayanan!”
Ang Gawad Pasasalamat ay isa sa dalawang pangunahing kategorya sa ilalim ng taunang parangal ng BFAR. Layunin nitong bigyang-pugay ang mga natatanging stakeholder at partner na nagpakita ng masigasig na suporta, dedikasyon, at pakikilahok sa pangangalaga, konserbasyon, at napapanatili (sustainable) na pamamahala sa yamang-tubig ng bansa.
Pinarangalan ng BFAR Philippines ang – at ang City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC) – Bacoor dahil sa kanilang mga BAGO, NATATANGING PROGRAMA at SERBISYO na nag-iwan ng malaking ambag at tulong sa sektor ng pangisdaan sa Bacoor at sa buong Manila Bay.
Ang OAS ay pinangungunahan ng Officer In Charge ng tanggpan na si Mr. Allan G. Chua at ang CFARMC naman ay pinangungunahan ng kanilang Chairperson na si G. Rogelio Dominguez.
Narito ang kasaysayan ng mga pangunahing parangal na natanggap ng ating lungsod:
2019 Gawad Parangal BFAR Gawad Pagkilala:
Longline Mussel Culture Modernization Initiative
2024 Gawad Parangal BFAR Gawad
Pasasalamat: Task Force Bantay Dagat – “Zero Dynamite Fishing and Effective Strategy to Limit IUUF (Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing)”
Gawad Pasasalamat: Joshua Francoise Clark Ener R. Villaluz, RFP – “Efforts and Contribution to the 100% Perfect Score for DILG-Fisheries Compliance Audit”
Isang malaking pagpupugay at pagbati sa ating mga kabalikat sa pangisdaan! Ang inyong dedikasyon ang nagdadala ng matagumpay na FISHERIES MANAGEMENT at ADMINISTRATION para sa bawat Bacooreño!











