Sa tulong at paggabay ng City Agriculture Office – FITS ay naisagawa ang malawakang eleksyon para sa bagong organisasyong kakatawan sa mga magtatahong ng Lungsod ng Bacoor. Layon ng binuong organisasyon ang maisaayos ang presyuhan ng kalakal ng tahong at kumatawan para sa industriya ng pagtatatahungan.