Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang walong (😎 mahuhusay na Bacooreño na kabilang sa Team Philippines na lumalahok sa 28th World Championships of Performing Arts (WCOPA) 2026 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Sa kanilang pambihirang pagtatanghal, nakamit ng Team Philippines ang Silver Award (2nd Place) sa Production Group Competition sa Opening Ceremony. Kabilang sa tagumpay na ito ang walong Bacooreñong performer na buong husay na ipinamalas ang kanilang talento, disiplina, at dedikasyon sa sining, na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa Lungsod ng Bacoor kundi maging sa buong bansa.
Ang kanilang tagumpay ay patunay na ang mga Bacooreño ay may kakayahang makipagsabayan sa pinakamahuhusay na performer sa buong mundo at magsilbing inspirasyon sa mas marami pang kabataan na patuloy na linangin ang kanilang talento.
Ayon kay Mayor Strike B. Revilla:
“Napakalaking karangalan para sa ating lungsod na makita ang ating mga kababayang Bacooreño na matagumpay na kumakatawan sa Pilipinas sa isang prestihiyosong pandaigdigang kompetisyon. Ang inyong dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa sining ay nagbigay ng karangalan hindi lamang sa Bacoor kundi sa buong bansa. Patuloy ninyong dalhin ang bandera ng Pilipinas nang may dangal. Nandito ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na buong pusong sumusuporta at nagmamalaki sa inyong tagumpay. Mabuhay ang Team Philippines, mabuhay ang mga Bacooreño!”
Muling ipinapaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang taos-pusong pagbati sa Team Philippines, lalo na sa ating walong Bacooreñong performer, sa kanilang natatanging tagumpay. Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng bawat Bacooreño.
Congratulations, Team Philippines! Mabuhay ang Bacoor!


