Sa ginanap na Philippine Model Cities and Municipalities Awards & Forum ng The Manila Times kahapon, Nobyembre 14, 2025, kinilala ang Bacoor City bilang Second Runner-Up for Education Hub.
Dumalo sa nasabing kaganapan sina Konsehal Rogelio “Bok” Nolasco, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Ms. Khei Sanchez, bilang kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Bacoor LGU, katuwang ang pribadong sektor, upang higit pang mapaunlad ang edukasyon at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga kabataang Bacooreño.