Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Strike B. Revilla, ang City Government of Bacoor, sa pakikipag-ugnayan sa Federated Parents-Teachers Association, sa pamamagitan ng Office of the City Civil Registry, ay maghahatid ng Libreng Late Registration ng Certificate of Live Birth para sa mga batang nasa pampublikong paaralan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ang bawat bata ng kanilang tunay na identidad at pagkakataon para sa mas maliwanag na kinabukasan — dahil dito sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Ang serbisyong ito ay bahagi ng isang isang taong programa na iikot sa bawat barangay sa lungsod. Abangan ang mga susunod na anunsyo kung kailan ito gaganapin sa inyong lugar.
Inaanyayahan ang lahat na makipag-ugnayan sa inyong respective PTA para sa maayos na koordinasyon at listahan ng mga benepisyaryo.
Unang hatid ng serbisyo ang Talaba Elementary School — simula pa lamang ito ng mas pinalawak at inklusibong serbisyo para sa bawat pamilyang Bacooreño.
📍 Talaba Elementary School
📅 March 27, 2026 | ⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
Hatid ng inyong lingkod.
#CityOfBacoor #PublicService #AtHomeKaDito