Magandang balita! Para mas maging accessible para sa lahat, ang lokasyon ay mas pinalapit at mas ginawang sentro ng Bacoor, at ang oras ay inayos upang mas maging convenient para sa ating mga kalahok. 💃✨ Dahil dito, may kaunting pagbabago sa oras at venue ng ating Women’s Month Zumba Wellness Program.
💜 Galaw na, Kababaihan! 💜
Ngayong Women’s Month, sama-sama nating ipagdiwang ang lakas, sigla, at pagkakaisa ng kababaihan sa pamamagitan ng sayaw at wellness!
Kaakibat ng tema ngayong taon na “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” inaanyayahan namin kayong makiisa sa isang umagang puno ng enerhiya, saya, at pagkakaisa. Dahil kapag sama-sama ang pagkilos, mas nagiging posible ang isang lipunang pantay at inklusibo para sa lahat.
💃 Sumali sa ating Women’s Month Zumba Wellness Program!
✨ Pwedeng sumali:
✔ Mga Barangay Zumba Groups
✔ Indibidwal na Zumba Enthusiasts
📅 March 14, 2026 (Saturday)
📝 Registration: 8:30 – 9:30 AM
💃 Wellness Program: 9:30 – 11:30 AM
📍 Bacoor Gymnasium
Bacoor City, Cavite
📝 PAANO SUMALI:
Para sa mga bagong kalahok, mag-register online sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code o pag-click sa registration link:
https://docs.google.com/…/1FAIpQLSdTh5xj…/viewform
Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong Barangay Zumba Leader para sa printed registration form.
📌 MGA PAALALA:
✔ Siguraduhing physically fit at walang iniindang sakit
✔ Magdala ng sariling TUMBLER/FLASK (may available na water refilling station para sa Zumba participants)
✔ Kumain muna bago umalis o magdala ng biskwit/crackers, lalo na sa may diabetes
✔ Huwag kalimutang magdala ng kahit isang (1) VALID ID at sariling ballpen
✨ Tara na! Sayaw, galaw, at sama-sama nating ipakita na #WEcanbeEquALL!
#WomensMonth2026
#WEforGenderEquality
#WEcanbeEquALL
#ZumbaForAll


