Pansamantalang sarado sa mga motorista ang Molino Flyover sa kasalukuyan dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng mga kinauukulang awtoridad.
Pinapayuhan ang lahat ng motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta at asahan ang posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga kalapit na lugar.
Magbibigay ng panibagong abiso ang City Government of Bacoor sa sandaling maaari nang muling daanan ang Molino Flyover.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon.