Bacooreño, panahon mo nang magkabahay sa sariling lungsod!
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Pag-IBIG Fund, ilulunsad na rin dito sa ating lungsod ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program — ang programang maghahatid ng abot-kayang pabahay para sa bawat Bacooreño.
Narito ang mga benepisyong handog sa’yo:
✅ Zero Downpayment – Walang mabigat na simulang gastos!
✅ Budget-Friendly Monthly Amortization – Sakto sa bulsa, kaya sa bawat buwan!
✅ Prime Location – Malapit sa paaralan, ospital, palengke, at mga pangunahing daan!
✅ Matibay na Konstruksyon – Protektado ka sa bawat panahon!
📍Matatagpuan ito sa Salinas 1, Bacoor, Cavite.
Para sa mga nagnanais mag-apply, ihanda lamang ang mga sumusunod na dokumento:
⦁ Dalawang (2) Valid ID na may Specimen Signature
⦁ Birth Certificate (kung Single)
⦁ Marriage Certificate (kung Married)
⦁ Huling Tatlong (3) Buwan na Payslip
⦁ Certificate of Employment (kung Employed)
⦁ Special Power of Attorney (kung kinakailangan)
⦁ Authorization to Conduct Credit Investigation
📱I-scan ang QR Code para sa pagpaparehistro at karagdagang impormasyon.
Sama-sama nating abutin ang pangarap na bahay sa Bacoor!