Mga Bacooreño, may natitirang slots pa para sa LIBRENG KASAL na gaganapin sa Setyembre 12, 2025 sa Strike Gym, sa pangunguna ng ama ng lungsod, Mayor Strike B. Revilla.
Ang unang 200 pares lamang ang makakasali sa programang ito ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor—kaya kung kayo’y nagbabalak magpakasal, ito na ang pagkakataon!
Tingnan ang listahan ng mga kinakailangang dokumento at pumunta na sa City Civil Registrar Office para magsumite. Huwag palampasin ang pagkakataong ito—kasal na, libre pa!


