Masayang ipinapaabot ng City Government of Bacoor ang pagsisimula ng Simbang Gabi 2025 sa gabi ng December 15 at sa madaling-araw ng December 16.
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa sektor ng Roman Catholic at Aglipayan Churches, nagtalaga ang ating butihing Mayor Strike Revilla ng karagdagang Kapulisan, force multipliers, at Barangay upang tumulong sa Pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko, Pagtitiyak ng kaayusan at katahimikan at Pagbibigay ng seguridad sa buong pagdiriwang ng banal na misa.
Nawa’y maging mapayapa, makabuluhan, at puspos ng pananampalataya ang ating pagsisimula ng Simbang Gabi.