Ang City Government of Bacoor, kasama ang Office of the Social Welfare and Development – Bacoor City, ay humihingi ng tulong mula sa ating komunidad para mahanap ang pamilya ng ilang batang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Shelter for Boys.
Sila ay pansamantalang inaalagaan dahil sa mga kaso ng abandonment, neglect, o pagiging foundling.
Baka ikaw o ang kakilala mo ay may impormasyon na makakatulong para sila ay muling makasama ang kanilang pamilya.
Maingat naming isinapubliko ang kanilang mga larawan at impormasyon, ayon sa batas, upang mapanatili ang kanilang dignidad at privacy.
Kung may alam po kayo, please reach out sa Office of the OSWD Bacoor. Kahit simpleng impormasyon, malaking tulong ito para sa kinabukasan ng mga batang ito.