Sa gitna ng epekto ng Bagyong UwanPH, ipinaaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa lahat ng mamamayan at mga negosyante na may umiiral na price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 7581 o ang Price Act, na nagsasaad na kapag ang isang lugar ay isinailalim sa State of Calamity, ang presyo ng mga pangunahing produkto ay automatikong hindi maaaring itaas sa loob ng 60 araw, maliban kung ito ay binawi o pinalawig ng mga kinauukulan.
Saklaw ng Price Freeze:�Bigas, tinapay, sardinas, instant noodles�Gatas, kape, asukal, asin, mantika�LPG, kandila, baterya�Gamot at mga pangunahing medical supplies�Ang sinumang lalabag sa batas ay maaaring patawan ng parusa kabilang ang multa at pagkakakulong, ayon sa itinakda ng DTI at ng Price Act.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang City Government of Bacoor ay patuloy na nagmo-monitor sa mga tindahan upang matiyak ang pagsunod sa batas.
Hinihikayat ang lahat na maging mapagmatyag at i-report ang anumang paglabag sa price freeze sa inyong barangay o sa DTI Cavite.
Ang batas ay para sa kapakanan ng lahat. Sa panahon ng sakuna, ang malasakit at pagtutulungan ang pinakamahalaga.


