Bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, muling handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) Bacoor ang Pre-Independence Day Strike-A-Job Fair 2026 na gaganapin sa SM Bacoor, 3rd Level, bilang isang makabuluhang hakbang upang mailapit ang disenteng trabaho sa ating mga kababayan.

Sa pangunguna ni Strike B. Revilla, patuloy na isinusulong ng lungsod ang isang Bacoor na may sapat na oportunidad para sa lahat. Ang kanyang pananaw ay simple ngunit makabuluhan—ang bawat Bacooreno ay dapat makaramdam na sila ay nasa tahanan sa kanilang sariling lungsod, may hanapbuhay, may oportunidad, at may pag-asa para sa kanilang pamilya.
Hindi na kailangang lumayo pa ng ating mga kababayan upang maghanap ng trabaho. Dinadala mismo ng lungsod ang mga oportunidad sa kanilang pintuan.
“Trabaho Malapit sa Bahay, Kinabukasan na Maaasahan.”
Tampok sa job fair na ito ang humigit-kumulang 70 PESO Bacoor Accredited Companies na nagmula sa iba’t ibang industriya tulad ng retail, manufacturing, business process outsourcing, hospitality, logistics, healthcare, at iba pa. Ang mga kumpanyang kalahok ay dumaan sa masusing proseso ng accreditation ng PESO Bacoor upang matiyak na ang mga oportunidad na kanilang inaalok ay lehitimo at naaayon sa mga umiiral na batas paggawa.
Higit sa lahat, ang mga kumpanyang ito ay DOLE-cleared at walang nakabinbing labor cases, isang mahalagang pamantayan ng PESO Bacoor upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga naghahanap ng trabaho. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na matiyak na ang bawat trabahong iniaalok ay ligtas, patas, at may paggalang sa dignidad ng manggagawa.
“Lehitimong Trabaho. Lehitimong Oportunidad. Lehitimong Pag-asa.”
Bukod sa mga employer, makakasama rin sa aktibidad ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan tulad ng Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG Fund. Magbibigay sila ng impormasyon at serbisyo upang matulungan ang mga aplikante sa kanilang pre-employment requirements at mas maunawaan ang mga benepisyong nakalaan para sa mga manggagawang Pilipino.
Para sa PESO Bacoor, ang isang job fair ay higit pa sa simpleng pagtitipon ng mga employer at aplikante. Ito ay isang pagkakataon upang baguhin ang buhay ng mga tao—isang pagkakataon upang mabigyan ng trabaho ang isang magulang, mapagtapos ng pag-aaral ang isang anak, at mabigyan ng bagong pag-asa ang isang pamilyang nangangailangan.
Ito ang dahilan kung bakit patuloy na ipinagmamalaki ng LGU Bacoor PESOang paniniwala na PESO IS LOVE.
Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi lamang ipinapakita sa paggunita ng ating kalayaan. Ito ay nakikita sa mga konkretong hakbang upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat mamamayan na magkaroon ng disenteng trabaho at mas magandang kinabukasan.
Sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, sama-sama nating patunayan na ang kalayaan ay mas nagiging makahulugan kapag may oportunidad, may trabaho, at may pag-asa.
“Kalayaan sa Kahirapan. Kalayaan sa Kawalan ng Hanapbuhay. Kalayaan sa Pamamagitan ng Trabaho.
PESO Bacoor: Naglilingkod nang may Puso. Nagkakaisa para sa Trabaho. Dahil #pesoislove