Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY, at inaasahang magdudulot ng tuloy-tuloy hanggang malalakas na pag-ulan sa Lalawigan ng Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan ngayong Huwebes, August 6, 2026.
Pinapayuhan ang lahat na unahin ang kanilang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, ng inyong lokal na pamahalaan, at ng mga kinauukulang ahensya.
Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan ang ating pangunahing prayoridad.
Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat. 💙
#MulaSaBayanParaSaBayan


