May mga katanungan ba kayo ukol sa ating pamahalaang lungsod? Mayroon po tayong Interactive Information Kiosk sa bulwagan ng munisipyo, at doon ay maaari kayong makakuha ng samu’t saring kaalaman mula sa kasaysayan ng ating lungsod at gawain ng iba’t ibang tanggapan, kasama na ang kanilang kinauukulang serbisyo. Sa pamamagitan ng Interactive Information Kiosk, mapapadali ang pagproseso ng inyong mga kailangan sa munisipyo.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani
#InteractiveInformationKiosk