FREE AND VOLUNTARY HIV SCREENING!
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang STRIKE A JOB FAIR 2025 ngayong Sept. 11, Thursday sa STRIKE Gymnasium ay hindi lamang magbibigay ng trabaho kundi maghahandog din ng libreng at boluntaryong HIV screening para sa ating mga Bacooreno job seekers.
ITO PO AY BOLUNTARYO LAMANG at wala pong pilitan. Lahat ng tests at resulta ay mananatiling mahigpit na kumpidensyal—dahil “Know your Status, Show Your Love, #pesoIsLove.”
Katuwang ng PESO Bacoor si Dr. Michael Angelo Marquez ng Bacoor Social Hygiene Clinic at CHO Head Dr. Ivy Marie Yrastorza, sa patnubay ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla at sa pamumuno ni Dr. Abraham Domingo De Castro, Department Head ng Public Employment Service Office ng Bacoor City.
Sama-sama tayong nag-aalaga para sa mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na komunidad. Kita-kits sa Job Fair!


