Inaanyayahan at pinapaalalahanan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga ng mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan na samantalahin ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) with Vitamin A Supplementation.
Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga bata ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas (measles) at rubella (tigdas-hangin). Ang mga bakunang ito ay ligtas, epektibo, at mahalaga upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon o maging sanhi ng pagkamatay. ️✨
Kahit nakatanggap na ang inyong anak ng kumpletong bakuna sa Routine Immunization, hinihikayat pa rin siyang magpabakuna sa MR SIA upang mapalakas pa ang kanyang proteksyon laban sa tigdas at rubella.
Maaaring magpabakuna sa inyong health center o sa mga itinalagang fixed at temporary vaccination sites mula August 10 hanggang 21, 2026.
Para naman sa mga batang pansamantalang hindi nabakunahan (temporarily deferred), maaari pa rin silang mabakunahan hanggang August 28, 2026.
Protektahan ang inyong anak. Magpabakuna laban sa tigdas at rubella ngayong August 10–28, 2026!