Walang pasok sa lahat ng antas (public at private) sa buong lalawigan ng Cavite mula October 15 hanggang October 18, 2025, upang bigyang-daan ang Influenza-Like Illness (ILI) surveillance at ang paghahanda para sa “The Big One,” o malakas na lindol na posibleng maranasan sa hinaharap.
Sa panahon ng suspensyon ng face-to-face classes, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) gaya ng online classes at modular learning upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang hakbang na ito ay isang proactive effort upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Caviteño.
Courtesy from: Governor Abeng Remulla FB Page


