🌧 Ingat po mga Kabitenyo!
Walang pasok mula Elementary hanggang College sa buong Lalawigan ng Cavite ngayong Nobyembre 4, 2025 (Martes) dahil sa masamang panahon na dulot ni Bagyong Tino.
Ang lahat ng klase ay pinapayuhan na ilipat sa online o modular learning mode upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang nagpapatuloy ang pagkatuto sa kani-kanilang tahanan.
Manatiling ligtas at patuloy na magbantay sa mga anunsyo mula sa inyong lokal na pamahalaan. 💙