Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, buong-puso nating binabati ang lahat ng Batang Bacooreño at kabataan sa buong mundo sa pagdiriwang ng International Youth Day 2026!
Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan—kayo ay katuwang sa paghubog ng kasalukuyan at pangunahing lakas sa paglikha ng kinabukasang nais nating makamtan.
Sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pagbibigay ng suporta, programa, at mga oportunidad para sa ating mga kabataan—dahil naniniwala tayo na ang bawat Batang Bacooreño ay may kakayahang mangarap, umunlad, at makapag-ambag sa isang mas maunlad at mas magandang kinabukasan. 💙💛
Sama-sama nating ipakita na ang Batang Bacooreño ay may tapang mangarap, lakas kumilos, at pusong maglingkod. 🙌
#HappyInternationalYouthDay
#LinggongKabataan2026
#BatangBacooreño
#KabataanNgBacoor
#CityOfBacoor