Inaanyayahan ang lahat ng interesadong aplikante na makibahagi sa e4PH Mini Caravan ngayong Enero 10, 2026, na gaganapin sa Revilla Hall, Bacoor Government Center.
📌 Schedule:
Morning Batch – 9:00 AM
Afternoon Batch – 2:00 PM
👉 Mag‑register na dito: https://forms.gle/VHAUK1XMPemD2J7y9
Layunin ng e4PH Mini Caravan na pabilisin at pasimplehin ang proseso ng aplikasyon para sa Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (e4PH) Program, partikular para sa Salinas 1. Sa tulong ng pinagsanib na serbisyo ng HUDRD, Pag-IBIG Fund, at partner developers, ang mga aplikante ay makakatanggap ng:
1. Program orientation
2. Tulong sa pag-fill out ng Buyer Confirmation Form
3. On-site, same-day validation
📌 Walang downpayment at walang reservation fee.
Para sa mas mabilis na proseso, hinihikayat ang lahat na mag-pre-register sa platform na ito bago dumalo.
📄 Mga Kailangang Dalhin para sa Pag-IBIG Validation:
• Dalawang (2) valid government-issued IDs
• Marriage Certificate (kung may asawa)
• Birth Certificate
• Mga dokumento ng kita (income documents)
📌Para sa inquiries, bumisita sa HUDRD Office (2/F Bacoor City Hall) o tumawag sa 0997-583-2090 | 📧 hudrd.4ph@gmail.com