Kamakailan, ilang kababayan nating homeless ang na-rescue ng City Government of Bacoor. Layunin ng programang ito na mabigyan sila ng agarang kalinga, at kung maaari, matulungan silang mahanap at muling makasama ang kanilang pamilya.
Kung may impormasyon kayo tungkol sa mga indibidwal na nasa larawan, o kung sa tingin ninyo ay kilala ninyo sila, maaari po kayong makipag-ugnayan sa Office of the City Social Welfare and Development (CSWD).
Tinitiyak po namin na ang kanilang privacy at dignidad ay pinangalagaan ayon sa batas at tamang proseso.
Sama-sama tayong bumuo ng isang Bacoor na may malasakit sa bawat isa.


