Tunay nga na sa rehas man ay may liwanag din. Pinagpala ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bacoor City Jail Male and Female Dormitories sa kanilang pagtatapos mula sa iba’t ibang TESDA Skills Training Programs sa pakikipagtulungan sa Revilla Center ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.

Bilang bahagi ng kanilang mapagkalingang rehabilitasyon, ang ating mga PDL ay nagsipagtapos ng Skills Programs na may kinalaman sa Hilot Wellness, Macrame Making, Straw Bag Making, at Massage Therapy.

Malugod namang binati ang mga nagsipagtapos ng mga opisyales ng ating pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Provincial Board Member Aba Gawaran, City Administrator Jerome Oliveros, Carmelita Gawaran ng City Livelihood and Development Office, JSInsp Rosemarie T Encarnacion, at JSupt Deogracias F De Castillo.

Congratulations sa lahat ng mga nagtapos!

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani