Sinorpresa ni Mayor Lani M. Revilla ang isang Centenarian na si Tatay Luciano Claro Rapisura mula sa Queens Row East. Si Mayor Lani ang mismong nag-abot ng tseke na 20,000 pesos na handog ng City of Bacoor sa mga 100-year-old na mga Bacooreño. Tuwang-tuwa si Tatay Ciano at ang kanyang pamilya sa magandang maagang pamasko na ito at sa pagbisita ni Mayor Lani. Kuwento ni Tatay na sa pamamagitan ng pagsasaka ay naitaguyod niya ang kanyang anim na anak sa kolehiyo. Tinanong ni Mayor Lani ang sikreto ni Tatay sa pagkakaroon ng mahabang buhay at ayon sa kanya pagmamahal daw ang kanyang sikreto… pagmamahal sa Diyos, pamilya, sa kapwa, sa komunidad, at sa sarili. Dasal ni Tatay na sana abutin nya ang edad ng kanyang mga magulang na pumanaw sa edad na 130 years old. Tunay na isang inspirasyon ang kwento ni Tatay Ciano para sa lahat.

Pagkakalooban din si Tatay Ciano ng 100,000 pesos ng DSWD sa Oktubre ng taong ito.

Mabuhay ka Tatay Ciano!

#LoveMybacoor
#AlagangAteLani