Pinangunahan ng pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ang ika-121 paggunita sa Pagpupulong sa Bacoor 1898 kasabay sa pagdiriwang ng ika-220 kaarawan ni Padre Mariano A. Gomez kaninang umaga. Nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Padre Mariano A. Gomez na sinundan ng paglulunsad ng Bagong Edisyon ng “Proclamation: Philippine Independence – The Truth About August 1, 1898 Bacoor Assembly (A Historiographical Inquiry)” na likha ni Dr. Emmanuel F. Calairo. Pinangunahan ni Mayor Lani Mercado Revilla ang paggunita kasama ang ating panauhing pandangal, Senator Nancy Binay.