Lubo

s na kinasiya ng mga evacuees sa Alfonso, Cavite ang pagkalinga sa kanila ni Mayor Lani Mercado Revilla sa panahon ng matinding pangangailangan. Kinupkop ng Bacoor City Government, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office, ang mga evacuees mula ng sila ay lumikas dahil sa pagsabog ng bulkang Taal.

Maliban sa pagpapatakbo ng mobile kitchen, nangasiwa din ang CSWDO ng livelihood training para sa matatanda at psycho-social activities para sa mga bata. Sa pormal na turnover ng evacuation center kahapon, muling pinaabot ng mga evacuees kay CSWDO Head Lilianne Ugalde at mas higit kay Mayor Lani Mercado Revilla ang kanilang taos pusong pasasalamat.