Kamakailan ay nagsagawa ang Bacoor City Jail ng TB mass screening para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL). May 1371 male PDLs ang binigyan ng X-Ray para matuntunan kung sila ay may TB o wala. Ito ay isa sa mga preventive measures na ginagawa ng Bureau of Jail Management and Penology upang mapigilan ang pagkalat ng TB sa mga PDL at sa kanilang mga bisita, pati na rin sa mga kawani ng Bacoor City Jail.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani