Kabilang ang Bacoor Veterinary Office sa mga grupong nagbigay ng emergency treatment sa mga hayop na nailigtas mula sa pagsabog ng Taal Volcano. Kasama din sa grupo ang Cavite Provincial Veterinary Office, mga
LGUs mula sa Imus, Cavite City, Dasmariñas, at Tagaytay City, Cavite Veterinary Medical Association (CAVMA), at College of Veterinary Medicine and Biomedical Sciences, Cavite State University.

Nagtungo sila sa Barangay Zambal sa Tagaytay City para tignan ang kalagayan ng mga kabayo, at Barangay Cabulusan, Magallanes, Cavite para aso’t pusa.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani
#TulongBacooreño
#TaalVolcanoUpdate
#BalitangBacooreño
#SamaSamaTulongTulong
#KeepSafeCavite