Ipinatawag ni Mayor Lani Mercado Revilla ang may-ari ng Molino Doctors Hospital upang kastiguhin at pagpaliwanagin sa naganap na insidente na noong nakaraang linggo. Bagamat may dalawang kataong nasugatan sa isang aksidente sa harap mismo ng nasabing ospital, wala silang natanggap na kahit na anumang tulong.

Inamin ng pamunuan ng ospital ang kanilang pagkakamali at pagkukulang.

Dahil sa pangyayari, nagdesisyon rin si Mayor Lani na tapusin ang kasunduan sa pagitan ng local government at Molino Doctors Hospital. Ito ay tumutukoy sa Memorandum of Agreement ukol sa Medical Assistance na dati’y kabahagi ang nasabing ospital.